Northern Samar – Inanunsyo ng pamahalaang panlalawigan ng Northern Samar ang pagkumpleto ng unang dalawang proyekto na pinondohan sa pamamagitan ng Support to Barangay Development Program (SBDP) sa may conflict-stricken Hitapian Village sa bayan ng Catubig.
Ayon sa paamahalaang panlalawigan, naiturn-over na noong Oktubre 18, 2022 ang dalawang silid-aralan at isang barangay health station na nagkakahalaga ng Php4.8 Milyon.
Ito ang unang natapos na proyekto ng SBDP sa bayan ng Catubig mula nang magsimula ito noong nakaraang taon.
” The facilities will support sustainable rehabilitation and development in conflict-ridden communities such as Hitapian village,” sabi ni Gobernador Edwin Ongchuan sa isang pahayag.
Ang Hitapian ay isa sa anim na malalayong komunidad sa Northern Samar na recipients ng SBDP na pinondohan ng National Government.
Ang gobyerno ay naglaan ng Php120 milyon o Php20 milyon para sa bawat anim na barangay.
Matapos ang turnover, nakipag-dayalogo ang gobernador sa mga residente kung saan hiniling nila ang pagtatayo ng kanilang evacuation center at ikonekta ang kanilang baryo sa iba pang bayan ng Catubig at probinsya sa pamamagitan ng farm-to-market road.
Namahagi din ang pamahalaang panlalawigan ng food packs sa 286 na pamilya sa Hitapian at chicken meals sa lahat ng residente.
Namahagi din ng mga candies at school supplies pack ang Department of the Interior and Local Government provincial office sa mga bata.
Ang SBDP ay isang programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Kasama sa mga proyekto ang pagtatayo at rehabilitasyon ng mga portable water system, Health Station, pagtatayo at pagkonkreto ng mga kalsadang farm-to-market, rural electrification, pagtatayo ng mga paaralan, tulong sa mga indigent na indibidwal o pamilya, (tulad ng medikal, pinansyal, transportasyon, at pagkain o anumang kinakailangan), livelihood and technical programs, at mga agricultural projects.
Ang NTF-ELCAC, na nilikha sa ilalim ng Executive Order 70 na inilabas noong Disyembre 4, 2018, ay inatasang magbigay ng isang mahusay na mekanismo at istruktura para sa pagpapatupad ng whole-of-nation approach upang tumulong sa pagsasakatuparan ng kolektibong mga adhikain para sa inklusibo at napapanatiling kapayapaan.