Wednesday, December 25, 2024

HomeNational News2 patay at 3 sugatan sa pag-atake ng NPA sa Eastern Samar

2 patay at 3 sugatan sa pag-atake ng NPA sa Eastern Samar

Patay ang dalawang sundalo habang tatlo pa ang sugatan kasama ang 10 taong gulang na babae sa pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army sa Brgy Dorillo, Jipapad, Eastern Samar nitong Biyernes, dakong 1:30 ng madaling araw ng Oktubre 7, 2022.

Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina Staff Sergeant John Claire Flores at Private First Class Mark Edupancho Siscar. Habang ang mga sugatan ay sina Sergeant Allan Tallania at Private First Class Lou Mark Mengote na nakatalaga sa 52nd Infantry Battalion.

Nakuha ng mga teroristang groupo ang isang unit ng galil, isang unit ng R4 with M203 attached, 7 units R4 rifles, isang 9mm DERATA, 4 units 45 pistol, isang unit HH Harris with Antenna at 2 units Commercial radio.

Ayon kay Colonel Perfecto Peñaredondo, 803rd Infantry Brigade Commander, Philippine Army, “Ginawa nila ito dahil sa desperasyon, pagod, gutom, kawalan ng tulog, pagkabalisa, at takot. Iilan nalang sila, kaya naisipan nilang ang barangay atakihin. Tao ang gusto nilang takutin, kasi gusto nilang kotongan uli. Nagpapapansin sila sa Jipapad at fiesta ngayon, gusto nila pag-usapan sila”.

Matatandaan na ilan sa mga matataas na opisyal ng NPA ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) ang pinaniniwalaang namatay ngayong taong.

Ayon sa 8ID, ang EVRPC unit na sumalakay sa Barangay Dorillo ay ang Regional Guerilla Unit (RGU) – kung saan pangunahing trabaho nito ay bantayan ang mga NPA VIPs.

Samantala, kinondena naman ni Eastern Samar Governor Ben Evardone ang pag-atake ng mga NPA sa nasabing barangay kung saan noong Marso 2020 ay idineklara silang Persona Non Grata ng Barangay Council ng Dorillo, Jipapad, Eastern Samar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe