Saturday, November 23, 2024

HomeRebel News2 NPA Terrorist, patay sa San Jose De Buan, Samar

2 NPA Terrorist, patay sa San Jose De Buan, Samar

Samar – Patay ang dalawang mga miyembro ng teroristang New People’s Army sa isang engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng 87th Infantry (Hinirang) Battalion at 1st at 2nd Samar Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Hilumot, San Jose de Buan, Samar noong Lunes Agosto 1, 2022.

Kumilos ang militar nang makatanggap ng ulat mula sa isang residente hinggil sa presensya ng armadong terorista sa mga lupang sakahan ng Brgy. Hilumot sa San Jose de Buan, Samar.

Si Lt. Colonel Luzelito Q. Betinol Inf (GSC) PA ay agad na nag-organisa ng isang combat group kasama ang 1st at 2nd Samar Provincial Mobile Force Company upang libutin ang lugar.

Habang nasa ruta ang mga tropa ay pinaputukan ng humigit-kumulang anim na mga miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na agad din nilang ginantihan.

Tumagal ng humigit-kumulang sampung minuto ang bakbakan na nagresulta sa neutralisasyon ng dalawang miyembro ng CTG at pagkarekober sa isang M16 A1 ELISCO, isang kalibre 45 pistol, isang laptop bag na naglalaman ng mga mahahalagang dokumento, isang back pack na naglalaman ng mga personal na gamit, isang bandolier at tatlong mahabang bakal na magazine.

Walang naiulat na casualty sa tropa ng gobyerno habang ang iba pang terorista ay tumakas patungo sa timog-kanlurang direksyon na positibong nasugatan dahil sa mga bakas ng dugo sa kanilang mga ruta ng pag-alis.

Nakilala ang mga nasawi na sina Rodrigo Mejica Lorezo “Akag”, 60 taong gulang, CO, ROC, EVRPC at Delia Rosco Rotalano alyas “Mema” 58 taong gulang, Staff, ROC, EVRPC na matataas na miyembro ng Communist Terrorist Group.

Matapos ang insidente, nakipag-ugnayan si Lt. Col. Betinol sa San Jose de Buan MPS at humiling ng tulong sa mga tauhan ng Scene of The Crime Operatives (SOCO) para maproseso ang mga bangkay. Nag-organisa din siya ng isang espesyal na pagpupulong kasama si Hon. Joaquin R. Elizalde, Municipal Mayor ng San Jose de Buan para mapadali ang paglilibing sa mga namatay na miyembro ng CTG.

Ang mga bangkay ay sumailalim sa post-mortem examination na isinagawa ni Dr. Pheobe D. Dela Cruz, Municipal Health Officer ng San Jose de Buan. Habang binigyan naman ito ng solemn mass sa Parish Church of San Jose de Buan at ng maayos na libing sa isang Public Cemetery sa nasabing munisipalidad.

Sa kabila ng insidente, hinikayat ni Lt. Col. Betinol, ang mga miyembro ng NPA na maaaring nasugatan na sumuko upang sila ay magamot ng nararapat.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe