Sunday, January 12, 2025

HomeNews2 NPA na nasawi sa bakbakan sa Negros Occidental, positibong kinilala ng...

2 NPA na nasawi sa bakbakan sa Negros Occidental, positibong kinilala ng mga awtoridad

Positibong kinilala ng mga awtoridad ang dalawang kasapi ng New People’s Army na nasawi sa bakbakan sa pagitan ng rebeldeng grupo at ng mga tauhan ng 62nd Infantry “Unifier” Battalion ng Philippine Army nitong Martes, Hunyo 13, 2023 sa Brgy Macagahay sa Moises Padilla, Negros Occidental.

Kinilala ang mga nasawi na sina Benjie Ebarle alyas OMAR, miyembro ng Central Negros 1, may asawa at residente ng Sitio Mantauyan, Brgy Macagahay sa Moises Padilla, Negros Occidental at si Rowino Anobong alyas WEN, miyembro ng Central Negros 1, 43 years old, may asawa at residente naman ng Sitio Agogolo, Brgy Macagahay, Moises Padilla Negros Occidental.

Natagpuan ang mga bangkay sa Sitio Cupad, Brgy Macagahay, Moises Padilla at sa Brgy Maytubig sa bayan ng Isabela sa tulong ng Philippine Air Force Black Hawk mula sa Tactical Operation Group 6 (TOG6).

Agad namang dinala ang mga bangkay sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Moises Padilla at itinurn-over sa Nalagon Funeral Homes ng nasabing bayan.

Samantala, tuloy-tuloy naman na nananawagan ang mga awtoridad sa lahat ng mga sugatang rebelde na tuluyan ng sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan para sa kanilang agarang medikasyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe