Saturday, November 16, 2024

HomeNews2 miyembro ng NPA Yunit Militia, timbog ng mga awtoridad sa Negros...

2 miyembro ng NPA Yunit Militia, timbog ng mga awtoridad sa Negros Occidental

Walang kawala ang dalawang miyembro ng New People’s Army nang sila ay arestuhin ng mga awtoridad sa liblib na bahagi ng Barangay Santol sa bayan ng Binalbagan, Negros Occidental nito lamang umaga ng Linggo, Setyembre 10, 2023.

Kinilala ang mga suspek na sina Judy Blazer, 61 taong gulang at residente ng Sitio Mabunga, habang ang kasamahan naman nito ay kinilala na si Junjie Camanso, 30, residente naman ng Sitio Tumalog ng parehong barangay.

Ayon sa mga awtoridad, ang dalawa ay pawang mga miyembro ng Yunit Militia (YM) sa nasabing lokalidad. Dagdag pa nila na maroonng nakabinbing warrant of arrest ang dalawa sa magkakahiwalay na kasong murder noong 2009 at 2019.

Samantala, tiniyak naman ng mga awtoridad na hindi sila titigil sa pagsasakatuparan ng mga operasyon at iba pang katulad nitong mga aktibidad upag tuluyan ng wakasan ang paghahasik ng krimen at terorismo ng nasabing mga makakaliwang grupo.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe