Thursday, July 4, 2024

HomeNews2 magkapatid, arestado sa drug den raid sa Cebu City

2 magkapatid, arestado sa drug den raid sa Cebu City

Dalawang magkapatid ang arestado matapos umano’y ginawang drug den ang kanilang bahay sa drug raid na isinagawa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA 7) sa Sitio Tabay, Barangay Punta Princesa, Cebu City dakong alas-4 ng hapon. noong Biyernes, Hunyo 16, 2023.

Kinilala ang mga suspek na sina Adriano Lopez, 48, at nakababatang kapatid nitong si Jimnel, 43, kapwa walang trabaho at residente ng nasabing lugar.

Arestado din ang umano’y customer ng drug den na si Mark Anthony Cordova, 30, residente ng Sitio Huya, Barangay Tisa.

Nasamsam sa raid ang 22 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php136,000 at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Leia Alcantara, tagapagsalita ng PDEA 7, bago ang anti-illegal drug operation ay tatlong linggo nilang namonitor ang mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa kanilang ilegal na aktibidad.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe