Sunday, July 7, 2024

HomeRebel News2 kasapi ng teroristang grupo, patay; matataas na kalibre ng armas, nasamsam...

2 kasapi ng teroristang grupo, patay; matataas na kalibre ng armas, nasamsam sa engkwentro sa Basey, Samar

Samar – Dalawang kasapi ng New People’s Army ang namatay at nasamsam naman ang iba’t ibang uri ng armas mula sa mga ito sa nangyaring bakbakan nitong April 14, 2023 sa bayan ng Basey, Samar.

Sa ulat ng mga awtoridad, nakasagupa ng 46th Infantry Batallion at ng 63rd Infantry Batallion ng Philippine Army ang mahigit kumulang 17 Communist NPA Terrorists (CNTs) na kasapi ng Bugsok Platoon, Sub-Regional Committee SESAME matapos nilang matanggap ang ulat ng concerned citizen hinggil sa presensya ng mga armadong grupo sa Brgy. Mabini, Basey, Samar.

Tumagal ng 20-minuto ang naging palitan ng putok sa gitna ng mga tropa ng gobyerno at ng mga rebeldeng grupo na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang kalalakihang miyembro ng CPP-NPA at narekober ang isang M16 rifle, dalawang M653 rifles, assorted magazines at ammunition, tatlong bandoliers, kasama ang iba pang personal gamit.

Sa pahayag ni Brigadier General Lenart Lelina, Commander ng 801st Infantry Brigade, hinikayat nito ang natitira pang miyembro ng CNTs na isaalang-alang ang pagsuko ng kanilang mga armas at magbalik-loob sa pamahalaan.

“Based naman sa mga tracks nila (CPP-NPA) na may mga dugo, possible na may mga wounded silang kasama. Ako po ay umaapela sa kanila na sumuko na at itigil ang walang saysay na armadong pakikibaka. It is never too late for you to lay down your arms and be with your families who are waiting for your return. The government has prepared programs and services to help you start a new,” sabi ni Brig. Gen. Lelina.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe