Patay ang Top 1 at Top 2 High Value Target sa isinagawang buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit 8 at Tacloban City Police Office sa Brgy. 84, Manlurip, San Jose, Tacloban City, kagabi, Disyembre 4, 2023.
Kinilala ang Top 1 High Value Target na si Edelberto Nalda, residente ng Brgy. 84 at ang Top 2 High Value Target na si Michael Agner, mula sa Palo, Leyte.
Hinggil sa dalawang High Value Target, nahuli pa sa buy-bust ang live-in partner ng isa sa mga suspek, kung saan nakuhanan ito ng shabu.
Narekober ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 10 gramo at nagkakahalaga ng P30,000.00.
Samantala, nakuha rin ng mga awtoridad ang 14 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P100,000.00.
Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang babaeng live-in partner ng isa sa mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.