Sunday, July 7, 2024

HomeNews2 ex-detainee, balik kulungan dahil sa ilegal na droga

2 ex-detainee, balik kulungan dahil sa ilegal na droga

Balik kulungan ang dalawang dati ng nakulong dahil sa ilegal na droga matapos maaresto sa drug raid sa bulubunduking barangay ng Manipis, Talisay City, Cebu alas-9:25 ng gabi noong Biyernes, Oktubre 21, 2022.

Kinilala ni Police Lieutenant Elwood Ebona ng Drug Enforcement Unit ng Talisay City Police Station, na nanguna sa operasyon, ang mga suspek na sina Raymond Silva, 37, ng Purok Kaimito. Barangay Manipis, at ang kanyang kapitbahay na si Elmer Radana, 39.

Nakuha sa dalawa ang hinihinalang shabu na may karaniwang presyo ng droga na P36,000.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Randy Caballes, Hepe ng Talisay City Police Station, nalaman nila sa kanilang imbestigasyon na dati nang inaresto si Silva noong 2001 dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at pinalaya noong 2005 matapos makapagsilbi ng kanyang sentensiya, habang si Radana ay nakulong rin sa kaparehong kaso noong 2017 ngunit nakalaya ng ilang araw matapos makapagpiyansa.

Nalaman din ng Talisay PNP na ang supply ng droga ng dalawa ay nanggaling sa isang Alvin.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe