Dumaguete City, Negros Oriental – Huli ang dalawang katao at nakumpiska ang tinatayang nasa Php340,000 halaga ng shabu sa paghahain ng PDEA ng Search Warrant sa isang townhouse sa Barangay Candau-ay, Dumaguete City nito lamang Biyernes, ika-9 ng Setyembre 2022.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga naaresto na sina Lilibeth Eniceo, 44, at ang kasama nito na si Nathan Galgo, 39 na mga di umano’y may ari ng naturang townhouse.
Sa paghahalughog ng mga awtoridad ay nakumpiska ang limang pakete ng hinihinalang shabu na umabot ang bigat sa 50 gramo na may tinatayang market value na Php340,000 at mga drug paraphernalia.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Sec 11 at 12 Art. II ng RA 9165 o ang comprehensive dangerous drugs act of 2002.