Thursday, November 7, 2024

HomeNews2 Drug den sa Cebu City, sinalakay ng PDEA 7; walong suspek,...

2 Drug den sa Cebu City, sinalakay ng PDEA 7; walong suspek, arestado

Sinalakay ng mga operatiba ng Philippines Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA 7) kasama ang mga miyembro ng Mabolo Police Station sa Cebu City ang isang hinihinalang drug den sa Sitio Abellana, Barangay Luz alas-2:49 ng hapon noong Sabado, Hulyo 1, 2023.

Nadakip ang mga suspek na si Genewin Peoner Romano, ang 38-anyos na umano’y operator ng drug den; Bridget Dawn Ferarren Ontoy, 23; at Lefty Luke Noval Lao, 37 taong gulang na pintor ng konstruksiyon.

Nakuha sa kanila ang dalawang pakete ng shabu na tumitimbang ng 11 gramo na may street value na Php64,800 at ilang drug paraphernalia.

Ilang metro ang layo, natagpuan nila ang lima pang katao sa loob ng isa pang hinihinalang drug den.

Kinilala ang mga suspek na sina Faustino Alburo San Roque Jr., 29 anyos na umano’y operator ng drug den; Rojar Alburo, 44 anyos na construction worker; Antonio Masbag Medilo Jr., 31; Redan Austria Rellesiba, isang 25 anyos na welder; at 34 anyos na si Jovelyn Abregondo Roldan.

Nasabat ng mga operatiba ng PDEA 7 ang pitong pakete ng shabu na tumitimbang ng 15 gramo na may street value na Php102,000.

Ayon kay Leia Alcantara, PDEA 7 Information Officer, inabot ng halos dalawang buwan bago sila nagsagawa ng case build-up laban sa dalawang hinihinalang drug den matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen.

Kakasuhan aniya ang walong suspek ng paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe