Tuesday, January 28, 2025

HomePoliticsFormer Rebel News2 dating NPA rebel, miyembro na ngayon ng Philippine Army

2 dating NPA rebel, miyembro na ngayon ng Philippine Army

Miyembro na ngayon ng Philippine Army ang dalawang dating rebeldeng NPA, matapos silang mapabilang sa special quota ng Candidate Soldier “Mailap Class 681-2021,” na nagtapos nitong ika-14 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Sila ay sina Private Vincent D Dela Cruz at Private Jogie V Siplao parehong dating miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa-Pilipinas-Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade o (RPM-P/RPA-ABB) ng 2nd District ng Negros Occidental, na tagumpay na nakapagtapos sa pitong buwang pagsasanay bilang mga kasapi ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army.

Mula Cadiz City, Negros Occidental si Pvt Dela Cruz habang taga Kabankalan City, Negros Occidental naman si Pvt Siplao at parehong mga RPM-P/RPA-ABB surrenderor.

Ang RPA-ABB ay tumiwalag na grupo sa ilalim ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA). Humiwalay ito noong 1996 sanhi ng magkaibang ideolohiya. Noong 2000, pumirma ang RPA-ABB ng peace agreement sa pagitan ng national government sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Joseph Estrada.

Noong September 19, 2019, pormal na pinangunahan ni former President Rodrigo Duterte ang pagbuwag sa RPM-P/RPA-ABB sa isinagawang seremonya na ginanap sa Camp Peralta.

Habang pinayagan naman ang mga dating kasapi nito na mapabilang sa Philippine Army ngunit kailangan nilang maipasa ang pitong buwang pagsasanay sa ilalim ng Basic Military Training na kung saan sila ay tuturuan ng mga dapat at kinakailangan kaalaman ng pagiging isang sundalo kabilang na ang pagsasabuhay ng AFP core values na honor, duty, at patriotism.

Samantala, ayon naman kay MGen Benedict Arevalo, 3rd ID Commander, magiging magandang halimbawa sina Pvt Dela Cruz at Pvt Siplao sa iba pang mga kabataan na sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng parehong samahan na tuluyan ng tumiwalag at magbalik loob sa pamahalaan at piliing maglingkod sa bansa sa makabuluhang paraan.

“I am happy that these former members of the armed movement finally realized that a brighter future is waiting for them outside the organization, and it makes a big difference,” dagdag pa niya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe