Monday, December 16, 2024

HomePoliticsFormer Rebel News2 CTG Members sumuko sa Leon, Iloilo

2 CTG Members sumuko sa Leon, Iloilo

Leon, Iloilo- Sumuko ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group o CTG sa mga tauhan ng Leon Municipal Police Station nitong Hunyo 13, 2022 sa Canillas St., Brgy Poblacion, Leon, Iloilo.

Kinilala ni Police Lieutenant Melchor A Tolentino, Acting Chief of Police, Leon MPS, ang mga sumukong miyembro na sina – Ignacio C Balde Jr alyas “Koykoy”, 23, at Ena S Tacuel alyas “Melanie”, 20, parehong nasa ilalim ng KR-P, SF, Suyak Platoon, Squad 3, Squad member.

Ang naturang pagsuko ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit- Iloilo Police Provincial Office; Regional Intelligence Division, Police Regional Office 6; Discipline, Law and Order Division -Regional Personnel Records and Management Division, 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company at ng Leo MPS.

Dagdag pa ni Police Lieutenant Tolentino, nacoordinate din ang nasabing pagsuko ng dalawa sa Local Chief Executive sa bayan ng Leon sa pamumuno ni Mayor Ma. Lina C. Holipas.

Ang dalawang nagbalik-loob ay makaka-avail sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan upang sila ay matulungan sa pagkakaroon ng produktibo at payapang pamumuhay sa ilalim ng gobyerno.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe