Friday, November 15, 2024

HomeNews2 Bayan ng Leyte, nakakuha ng Solar-Powered Irrigation Projects

2 Bayan ng Leyte, nakakuha ng Solar-Powered Irrigation Projects

Matagumpay na naiturn-over ng Department of Agriculture (DA) Regional Office 8 ang mga Solar-Powered Irrigation System (SPIS) projects sa dalawang bayan sa Leyte para mapahusay ang rice productivity.

Ang mga miyembro ng Sitio Patag Farmers Association sa Macupa village sa Leyte, Leyte ay tinanggap ito noong Martes, Hunyo 27 ang Php5.9 milyong SPIS na magsusupply ng tubig sa 10 ektarya ng sakahan.

Noong nakaraang linggo, nakatanggap din ang mga magsasaka ng palay mula sa Guingauan village sa Tabontabon, Leyte ng Php6.2 milyong SPIS na sasakupin din ang 10 ektarya.

“Ito ay para isulong ang paggamit ng renewable energy at gawing accessible ang tubig sa mga magsasaka ng palay. Ang SPIS ay isang sistema ng irigasyon na pinapagana ng solar energy, na binubuo ng isa o higit pang solar panel, pump, electronic controls, o controller device para patakbuhin ang pump, storage tank, at conveyance structures kung kinakailangan,” sabi ng DA Eastern Visayas Regional Executive Director Andrew Orais.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ni Leyte town Mayor Arnold James Ysidoro ang DA sa pagsasakatuparan ng proyekto sa nayon, na nagbibigay ng tulong sa lokal na sektor ng bigas.

“I challenge the farmer’s association to work on how to fully maximize the benefits of the project among the farmer members and the community to further spur rural development,” sabi ni Ysidoro.

Sinabi ni Orais na hindi bababa sa 20 na unit ng SPIS ang nai-turn over sa iba’t ibang grupo ng magsasaka sa Eastern Visayas mula noong 2019.

“May mga kahilingan pa para sa SPIS lalo na sa ilang mga rainfed na lugar sa rehiyon, ngunit kailangan naming i-validate sa pamamagitan ng aming engineering division,” dagdag niya.

Ang SPIS ay isa sa mga makabagong estratehiya ng DA sa pagtataguyod ng renewable energy utilization sa bansa dahil ito ay makapagbibigay ng maaasahan, mura, at sustainable na enerhiya, upang patubigan ang mga lugar ng produksyon na sakop ng palay, mais, at iba pang high-value crops.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe