Thursday, November 21, 2024

HomeRebel News2 aktibong miyembro ng NPA sumuko sa Negros Oriental

2 aktibong miyembro ng NPA sumuko sa Negros Oriental

Boluntaryong sumuko sa mga tauhan ng Negros Oriental Police Provincial Office ang dalawang miyembro ng komunistang grupo na NPA, nitong Martes, Agosto 23, 2022 sa Bayawan City, Negros Oriental.

Ang naturang pagsuko ay bunga sa pinaigting na pagpaptupad ng mga awtoridad sa batas at ng sunod-sunod na operasyon upang mapanitili ang kaayusan at kapayapaan sa nasabing lugar.

Ayon sa mga awtoridad, matapos makatanggap ng ulat patungkol sa planong pagsuko ng dalawang miyembro, ay agad silang nagplano para sa maayos na proseso at sa ligtas na pagbabalik loob ng dalawang rebelde sa pamahalaan.

Ang naturang mga sumuko ay isang 24 at 23 taong gulang na mga babae at pawang Medical Officer sa ilalim ng Squad 2, Platoon 1 ng South East Front (SEF), Kilusang Rehiyong Negros Cebu Bohol Siquijor (KRNCBS).

Samantala, sinumite rin ng nasabing mga sumuko ang mga subersibong dokumento na pag-aari ng makakaliwang grupo sa mga awtoridad.

Tiniyak naman ng mga ito na handa silang makipagtulungan sa pamahalaan at nangakong susunod sa batas.

Ang mga surrenderee ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng PIU, NOPPO para sa tamang proseso.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe