Canlaon City, Negros Oriental- Nakatanggap ng ibat bang school supplies at covid kits ang nasa 2, 400 kabataan sa Canlaon City, Negros Oriental mula sa GMA Kapuso Foundation, Inc. (GMAKFI) mula Agosto 9 hanggang Agosto 12, 2022.
Bahagi ang nasabing aktibidad sa GMAKFI’s “Unang Hakbang sa Kinabukasan” UHSK Project na may layuning maghatid ng tulong sa mga kabataan mula sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas.
Ang mga benepisyaryo sa nasabing mga donasyon ay mga mag-aaral sa Kinder at Grade 1 ng 29 Elementary School sa nasabing lungsod.
Naging matagumpay ang pamamahagi sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit katuwang ang Department of Education ng Canlaon City, Canlaon City Police Station at ng mga tauhan ng 62nd Infantry “Unifier” Battalion.
Kada backpack na ipinamimigay ay may lamang limang (5) kwaderno; dalawang (2) lapis; isang (1) box ng krayola; dalawang (2) pad ng papel; pantasa; at CoVID Kit na may lamang alcohol, shield bath soap, at facemask.