Wednesday, December 25, 2024

HomeNews2.1K kapulisan, idedeploy para sa Masskara Festival highlight

2.1K kapulisan, idedeploy para sa Masskara Festival highlight

Bacolod City- Tinatayang nasa 2,174 na tauhan ng Philippine National Police ang nakatakdang idedeploy para magbantay sa highlight ng 43rd Masskara Festival sa darating na Oktubre 21 hanggang 23.

Ang pinakahuling batch ng augmentation forces ay binubuo ng 863 na kapulisan, na dumating sa Bacolod City Police Office (BCPO) headquarters nitong Huwebes.

Kabilang sa mga tauhang maideploy ay nanggaling pa sa Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental Police Provincial Office.

Ayon kay Police Lieutenant Ma. Liberty Indiape, Deputy Public Information Officer, BCPO, nitong araw nakahanda na ang naturang mga security forces upang siguruhin ang kapayapaan at kaayusan sa iba’t ibang festival sites sa huling tatlong araw ng Masskara Festival.

Bukod pa sa mga kapulisan, nagpadala rin ng karagdagang mga tauhan ang Philippine Army, Philippine Coast Guard, at ang Bureau of Fire Protection, katuwang ang mga force multiplier groups at rescue units upang bantayan ang seguridad at magbigay ng emergency response sakaling kinakailangan.

Gaganapin ang Electric Masskara float parade competition nitong darating na Sabado sa Megaworld’s The Upper East papuntang Government Center, na sasalihan naman ng 13 barangay.

Habang ang pinaka-aantay na Masskara street at arena dance competition, ay gaganapin naman sa Linggo na sasalihan ng 17 barangay sa Paglaum Sports Complex.

Natigil ang Masskara Festival ng dalawang taon dulot ng Covid-19 pandemic na may temang “Balik Yuhum”, o Smile Again alinsunod sa tagline ng Lungsod ng Bacolod na “City of Smiles.”

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe