Tuesday, December 24, 2024

HomeNews1st Padyak Kontra Droga at Terorismo, isinagawa sa Tacloban City

1st Padyak Kontra Droga at Terorismo, isinagawa sa Tacloban City

Nagsagawa ng 1st “Padyak Kontra Droga at Terorismo: Ride for a Cause for Balay Silangan Reformatory Center na pinangunahan ni Dir. Edgar T Jubay, Regional Director, PDEA RO8 noong Enero 15, 2023 bandang 6:00 ng umaga, na ginanap sa Macarthur National Memorial Park, Brgy. Candahug, Palo, Leyte.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Alpha Phi Omega- Tacloban City Alumni Association at dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng PDEA RO8, APO-TAAS, Police Regional Office 8, Leyte Police Provincial Office, Bureau of Jail Management and Penology RO8, Palo Municipal Police Station, Tacloban Rescue Unit, Traffic Management Enforcement, at Control Office (TOMECO), Palo Auxiliary Traffic Officers (PATO), MDRRMO Palo, LGU Tacloban City, LGU Province of Leyte, Tacloban and Palo Bikers Association, LGU Palo, Leyte, non- government organizations at iba pang stakeholders.

May kabuuang dalawang daan labing-isang (211) kalahok na binubuo ng isang daan apatnapu’t isang (141) lalaki at pitumpu (70) babae.

Ang aktibidad ay binubuo ng isang Fun Ride Bike mula Palo, Leyte hanggang Tacloban City at pabalik sa Macarthur Leyte Landing Memorial National Park, Brgy. Candahug, Palo, Leyte na may labindalawang kilometrong distansyang biyahe.

Nagkaroon rin ng Zumba Fitness Exercise para sa mga nanatili sa venue na mga non bikers na kalahok.

Ang highlight ng aktibidad ay ang panunumpa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga Local Government Units, Non-Government Organization at iba pang stakeholders sa pangakong suporta sa matagumpay na pagpapatupad ng Balay Silangan at iba pang programa sa adbokasiya ng Anti-Illegal Drus gayundin ang adbokasiya laban sa Terorismo.

Gayundin, iginawad ni Dir. Jubay kasama si Atty. Benjamin G Gaspi, Asst ng Regional Director, PDEA RO8 ang Certificate of Appreciation sa lahat ng stakeholders na nagbigay ng kanilang napakahalagang suporta at tulong upang maging matagumpay ang aktibidad.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe