Tuesday, December 24, 2024

HomeNews180 toneladang basura, nakolekta pagkatapos ng Sinulog

180 toneladang basura, nakolekta pagkatapos ng Sinulog

Mahigit 180 toneladang basura ang nakolekta ng Cebu City Department of Public Services (DPS) sa mga lansangan noong Lunes, Enero 16, isang araw pagkatapos ng Sinulog grand parade sa South Road Properties (SRP) at misa bilang parangal sa Batang Hesus sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu.

Sa pahayag ni DPS Head Engr. John Paul Gelasque, sinabi nito na natapos nila ang clean-up activity alas-6 ng umaga noong Lunes matapos ang humigit-kumulang walong oras na paglilinis sa mga kalsada sa SRP, uptown at downtown Cebu City sa mga basurang iniwan ng mga taong nakibahagi sa pagdiriwang noong Linggo, Enero 15.

Ang clean-up activity ay nilahukan ng 1,300 street cleaners mula sa DPS, Parks and Playground Commission, City Environment and Natural Resources Office at iba pang departamento.

Sinabi ni Gelasque na karamihan sa mga basurang nakolekta na may kabuuang bigat na 181.4 tonelada ay binubuo ng mga plastic bottle, styrofoam food containers, plastic bags, at iba pa.

Sinabi pa ng pinuno ng DPS na mas kakaunti ang basura na nakalap sa SRP kaysa sa city proper.

“Akala namin ang bulto ng basura ay nasa SRP kung saan ginanap ang Sinulog pero noong actual na paglilinis, ang bulto ay nasa city proper. 10 p.m. na kami nakapasok sa lugar dahil sa dami ng tao sa SRP,” saad ni Gelasque.

Humingi naman ng tulong ang DPS sa Cebu City Police Office sa pagpapakalat ng mga taong nagsasagawa ng street parties sa mga lugar tulad ng Mango Avenue, Juana Osmeña at Fuente Osmeña para maayos nilang maiparada ang kanilang mga trak ng basura.

Ang aktibidad ngayong taon ay nagbunga ng mas maraming basura kaysa sa Sinulog Festival noong 2020, kung saan 131 tonelada ng basura ang nakolekta.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe