Wednesday, January 8, 2025

HomePoliticsGovernment Updates180 mag-aaral ng TECHVOC sa Mandaue City, matagumpay na nagsipagtapos

180 mag-aaral ng TECHVOC sa Mandaue City, matagumpay na nagsipagtapos

Hindi bababa sa 180 mag-aaral ng Mandaue City College Technological and Entrepreneurial Skills Center (MCCTest) ang nagtapos mula sa tatlong buwang vocational courses sa isang pormal na seremonya na ginanap sa Mandaue City Sports and Cultural Complex nitong Martes, Agosto 2, 2022.

Ayon kay Melinda Bihag, MCCTest Acting Head, ang mga nagtapos ay binubuo ng tatlong batch. Ang unang set ng mga nagtapos para sa MCCTest ngayong taon ay batch na na-postponed noong nakaraang taon dahil sa coronavirus disease (Covid-19) pandemic.

Ang mga nagtapos ay kumuha ng tatlong buwang vocational courses tulad ng Bread and Pastry production, cookery, automotive mechanics, Hilot Wellness Massage, at industrial sewing machine operation (ISMO), at iba pa.

Pagkatapos ng graduation, ang mga nagsipagtapos ay mabibigyan ng pagkakataon na makakuha ng pagsusulit para sa National Certificate Level 2 ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Saad naman ng Provincial Director ng TESDA Central Visayas, Floro Ringca, ang vocational training sa MCCTest ay isang magandang oportunidad para sa mga nagpaplanong kumuha ng NC 2 test ng Tesda dahil saklaw na nito ang mga kinakailangang matutunan at malaman para sa NC 2 assesment

Ani pa ni Ringca, “The training does not necessarily mean that it is a prerequisite for the assessment (NC 2 test). As long as you have the experience or knowledge, you can go directly with the assessment even without proper training,” (Ang pagsasanay ay hindi nangangahulugang ito ay isang kinakailangan para sa pagtatasa (NC2 Test). As long as may experience or knowledge ka, you can go directly with the assessment kahit walang proper training).

Ang pagsusulit sa NC2 ay ang pangunahing kailangan para sa mga nagtapos ng kursong bokasyonal na gustong magtrabaho sa ibang bansa, partikular na bilang mga domestic worker.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe