Saturday, November 23, 2024

HomeNews18 na sunog, naitala sa Cebu City noong Oktubre

18 na sunog, naitala sa Cebu City noong Oktubre

Nakapagtala ang Cebu City Fire Office (CCFO) ng 18 sunog noong Oktubre 2022.

Ang pinakamalaki ay naganap sa Sitio Lucimba sa Barangay Pardo kung saan umabot ang pinsala sa Php3 milyong halaga ng mga ari-arian.

Sinundan ito ng sunog sa Barangay Capitol Site kung saan ang tinatayang pinsala ay nasa P630,000, na sinundan ng sunog sa Barangay Tisa kung saan tinatayang nasa P600,000 ang pinsala at ang sa Barangay Lahug kung saan ang pinsala ay nasa P231, 000.

Dalawang alarma sa sunog na kinasasangkutan ng mga sasakyan ang naitala sa Barangay Tinago na tinatayang nasa Php121,000 ang pinsala.

Ang pinsala sa mga ari-arian sa 13 na iba pang insidente ng sunog ay hindi baba sa Php40,000, ayon sa CCFO.

Ayon kay SFO2 Wendell Villanueva, tagapagsalita ng CCFO, ang karaniwang sanhi ng sunog ay faulty electrical connection at napabayaan na nakasindi na mga kandila.

Hinimok niya ang publiko na tulungan ang CCFO at Bureau of Fire Protection na maiwasan ang sunog.

“Alam nating lahat na unpredictable ang ating panahon. Sobrang init tapos biglang umulan. Dapat nating suriin ang ating mga de-koryenteng mga kable kung may mga ‘pinched’ o ‘napunit’ na mga wire. Kung maaari, ipa-rewire ang iyong bahay. Kung titingnan natin ang mga tala, ang numero unong sanhi ng sunog ay likas na elektrikal. Let’s unplug our appliances if these are not used,” saad nito.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe