Tuesday, January 7, 2025

HomePoliticsGovernment Updates166K residente ng Cebu City nakatanggap na ng 1st booster shot

166K residente ng Cebu City nakatanggap na ng 1st booster shot

Cebu City- Mahigit 166,000 indibidwal mula sa Cebu City ang nakatanggap na ng kanilang unang Covid-19 booster shot.

Ayon sa datos ng Cebu City Health Department, nasa 166,241 indibidwal na ang nakakuha ng kanilang unang booster shot mula sa 848,708 residente ng lungsod na nakakumpleto na ng unang dalawang doses ng bakuna laban sa Covid-19.

Bukod sa mga nakakuha ng kanilang unang booster, humigit-kumulang 13,450 katao na naninirahan sa lungsod ang nakakuha ng kanilang pangalawang booster shot, ayon kay Cebu City Health Department, Dr. Jeffrey Ibones noong Biyernes, Hulyo 29, 2022.

Para naman sa pagbabakuna sa mga bata, iniulat ni Ibones na 46,835 na mga bata na may edad lima hanggang 11 taong gulang ang nakatanggap ng kanilang unang doses ng bakuna laban sa Covid-19; 37,569 naman na mga bata ang nakakuha na ng kanilang pangalawang doses.

Para sa mga batang edad 12 hanggang 17 taong gulang, 76,472 sa kanila ang nakakuha ng kanilang unang doses; 68,535 iba pa ang nakakuha ng kanilang pangalawang doses ng bakuna sa Covid-19 ayon kay Dr. Ibones.

Sinabi pa ni Dr. Ibones na nagsasagawa pa rin sila ng pagbabakuna sa buong lungsod upang matiyak na ang lahat ng mga residente ay mapoprotektahan laban sa Covid-19. Ang lungsod ay mayroong Covid-19 vaccination sites sa City Hall at sa Ayala Center Cebu sa Cebu Business Park.

Bukod sa kanilang mga vaccination site, kanilang ring inilalapit sa ating mga kababayan ang kampanyang “Toktok Bakuna” sa iba pang lugar sa lungsod upang masiguro na mabakunahan laban sa Covid-19 ang lahat ng kanilang mga nasasakupan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe