Saturday, October 5, 2024

HomeRebel News16 CTG members sumuko sa Guihulngan City, Negros Oriental

16 CTG members sumuko sa Guihulngan City, Negros Oriental

Sumuko ang 16 miyembro ng Communist Terrorist Group kabilang na ang tatlong high-ranking officials ng Central Negros 1, sa mga awtoridad sa Guihulngan City, Negros Oriental nitong ika-20 ng Setyembre 2022.

Ayon pa sa mga sumukong miyembro napagod at nagsawa na sila sa mga pangakong kailanman ay hindi pa natutupad ng nasabing armadong samahan.

Ayon naman ni Brigadier Gen. Innocencio Pasaporte, na kabilang sa mga sumuko ang kanilang platoon leader, vice platoon leader at ng isang political guide ng Central Negros 1.

Maliban pa sa mga hindi natupad na pangako, iniinda rin ng mga sumukong rebelde ang matinding gutom at kahirapan lalo na sa tuwing palipat-lipat sila ng kinaroroonan dahil sa mas pinaigting pa na mga military operations ng pamahalaan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe