Friday, November 22, 2024

HomePoliticsSectoral News152 pamilya ng mga Indigenous People sa Antique nakatakdang matanggal sa 4Ps

152 pamilya ng mga Indigenous People sa Antique nakatakdang matanggal sa 4Ps

San Jose De Buenavista, Antique – Tinatayang nasa 152 pamilya mula sa Indigenous Peoples (IP) community ng probinsya ang matatanggal sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan sa susunod na buwan.

Ayon kay Jeffrey Gabucay, Antique Pantawid Provincial Link, lumalabas sa pagsasaliksik na ang nasabing mga pamilya ay kabilang na sa non-poor category at di na kasama sa Listahan 3 kung saan napabilang ang mga indigent beneficiaries sa pamamagitan ng national household targeting system.

Sinabi rin ni Gabucay na ang nasabing mga IPs, lalo na ang grupo ng Iraynon Bukidnon, ay matagal ng benepisyaryo ng programa mula pa nang ipinatupad ang Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) para sa mga IPs noong 2014.

Samantala sinabi rin niyang magsasagawa ang kanilang opisina ng case management para sa mga pamilyang IPs nitong buwan para maiforward sa kani-kanilang local government units (LGUs) ang kanilang request for assistance bago sila tatanggalin sa nasabing programa.

Ngunit siniguro rin ni Gabucay, na ang mga LGUs ay titiyaking makaka-avail ang naturang mga pamilya ng mga pagsasanay o livelihood training para sa kanilang pagkakitaan sapagkat hindi na sila makakatanggap pa ng cash grants mula sa 4Ps.

Ang mga matatanggal na IPs ay mula sa bayan ng Valderrama kung saan mayroong 142 pamilya, apat (4) naman sa Libertad, tatlo (3) sa Sibalom, tig-iisa naman sa bayan ng Belison, San Jose de Buenavista at Hamtic. Nasa kabuuang 500 pamilya naman ang mga benepisyaryo ng 4Ps sa probinsya ng Antique.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe