Tinatayang 1,395 na pamilya o 6,431 na indibidwal sa Silangang Visayas ang nananatili sa mga evacuation center dahil sa Bagyong Enteng.
Ayon sa datos ng PNP, 16 na barangay sa Allen, Lavezares, at Lope de Vega sa Northern Samar ang nakaranas ng pagbaha.
Binaha rin ang ilang barangay sa Catarman, Palapag, Mapanas, Rosario, Mondragon, Catubig, at San Roque sa parehong probinsya.
Patuloy na hinahanap ang mga nawawala sa Biri, Northern Samar matapos ang landslide sa lugar.
Sa kasalukuyan, 82 barangay ang walang kuryente at 15 na lugar ang walang komunikasyon.
Sa Allen Port, 980 na pasahero at 186 na sasakyan ang na-stranded dahil hindi pa pinapayagan ang biyahe patungong Sorsogon sa Luzon.
Panulat ni Cami