Thursday, November 7, 2024

HomeHealthProvincial Government ng Leyte pinuri ng DOH E. Visayas sa matagumpay na...

Provincial Government ng Leyte pinuri ng DOH E. Visayas sa matagumpay na paglaban ng CoVID-19

Pinuri ng Department of Health (DOH) Rgional Office 8 ang Leyte provincial government sa pagsisikap nitong makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa lalawigan.

Sa inter-agency task force meeting noong Biyernes, Hunyo 17, 2022 na pinangunahan ni outgoing Governor Leopoldo Dominico Petilla, sinabi ni DOH Eastern Visayas Regional Director Exuperia Sabalberino na nalulugod silang makipagtulungan sa lalawigan sa paglaban sa coronavirus.

“Marami kaming pinagdaanan at nagkaroon kami ng ups and downs considering the novelty of the virus. Hindi namin alam kung paano ang pinakamahusay na pagkontrol at pamahalaan ang sitwasyon, ngunit ang Leyte ay gumawa ng isang mahusay na trabaho, “saad ni Sabalberino.

Naalala ni Petilla na sa nakalipas na tatlong taon ng pagharap sa pandemya, hindi isinara ng lalawigan ang mga borders nito.

Nangangailangan lamang ang lokal na pamahalaan ng mandatory testing para sa lahat ng bumalik na residente at sa mga close contact person sa taong may sintomas.

“Ang ginawa namin noong nagsimula ang pandemya noong 2020 ay panatilihing mababa ang pinsala at magpatuloy. Nagkalap kami ng mas maraming impormasyon at mga data upang magabayan kami kung ano ang gagawin upang mas matugunan ang problema, ” dagdag pa niya.

Sa ulat na inilabas ng Leyte provincial health office umabot ng 192,131 indibidwal ang nasuri sa pagitan ng Marso 2020 hanggang Hunyo 4, 2022, nasa kabuuang 22,749 na indibidwal ang naging positibo para sa Covid-19.

Sa mga kumpirmadong kaso, 22,584 na ang nakarekober, 168 ang namatay habang dalawa na lamang ang natitirang aktibong kaso noong Hunyo 6.

Dagdag pa ng gobernadora nal bumababa na ang kaso ng Covid-19, kaya dapat ng pagtuunan ng lokal na pamahalaan ang pagpapabuti ng ekonomiya na lubhang naapektuhan sa pandemya.

“Ang pagbabakuna sa Covid-19 ay dapat magpatuloy kasama ang mga inoculations booster shot,” ayon pa niya.

Sa 1,346,183 target na populasyon para sa pagbabakuna, hindi bababa sa 731,589 residente ang nakatanggap na ng first dose noong Mayo 24, habang 557,642 ang fully vaccinated.

Source: PNA | https://www.pna.gov.ph/articles/1176899

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe