Thursday, January 16, 2025

HomePoliticsFormer Rebel News12 former rebel sa Antique nakatanggap ng assistance mula sa pamahalaan

12 former rebel sa Antique nakatanggap ng assistance mula sa pamahalaan

San Jose de Buenavista, Antique- Nakatanggap ng assistance mula sa pamahalaan ang 12 dating mga rebelde mula sa tatlong bayan ng Antique nitong 19 ng Agosto 2022.

Ang nasabing assistance ay bahagi sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan na nagkakahalaga ng Php15,000 na immediate assistance at Php50,000 para naman sa livelihood assistance.

Sa 12 former rebel na nabigyan, walo (8) sa mga ito ay mula sa bayan ng Sibalom, dalawa (2) mula sa Culasi, habang dalawa (2) din mula sa bayan ng Sebaste.

Nagbigay din si Governor Rhodora Cadiao ng additional cash assistance na nagkakahalaga ng Php10,000 at Solar AM/FM Radio with Flashlight bilang mga First Responder sa pagbabalik nila sa komunidad. Ito ay kasabay ng third-quarter joint meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) na ginanap sa Hotel Kinaray-a sa San Jose de Buenavista, Antique.

Tinalakay din sa parehong araw ang sitwasyon ng krimen at drug status update ng probinsya na sinundan naman ng ulat ng Armed Forces of the Philippines-Antique kaugnay sa internal security operations nito.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Department of Interior and Local Government (DILG) Provincial Director- Cherryl Tacda; SP Members Pio Sumande Jr., at Rony Molina; Mayor Mar Mission ng San Remigio, Mayor Christopher Piccio ng Belision at Mayor John Lloyd Pacete ng Bugasong; Lt. Col. Harold Garcia- Commanding Officer ng 61st IB, Senior Inspector Joeffrey T. Animas-Acting Antique Provincial Fire Director, at 2nd LT Kenneth Aguilar ng Philippine Air Force.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe