Wednesday, December 25, 2024

HomeNational News12 Drug Surrenderers, nagtapos ng Comprehensive Rehabilitation Program sa Malay, Aklan

12 Drug Surrenderers, nagtapos ng Comprehensive Rehabilitation Program sa Malay, Aklan

Malay, Aklan- Nagtapos ang 12 drug surrenderers matapos sumailalim sa tatlong buwang rehabilitasyon sa ilalim ng Balay Silangan Reformation Center sa Barangay Balusbos sa bayan ng Malay sa Aklan nitong ika-22 ng Setyembre 2022.

Tinanggap ng mga nagtapos ang kanilang katunayan sa espesyal na seremonya na ginanap sa Hue Hotel Function Hall sa Boracay Island.

Sa 12 na nagtapos, dalawa nito ang benepisyaryo ng governmentā€™s plea-bargaining deal habang 10 naman ang drug-surrenderers na mga pushers.

Ang naturang mga drug surrenderers ay sumailalim sa isang komprehensibong rehabilitasyon kung saan tatlong buwan silang naglagi sa Balay Silangan. Bukod pa riyan sumailalim din sila sa ibat ibang aktibidad gaya ng psychological, spiritual, at physical activities kung saan mayroong counseling, moral recovery, values formation, personal and life skills, at iba pang kasanayan na itinuro naman ng Technical Education and Skills Development Authority. 

Ayon naman ni Malay Anti-Drug Abuse Council Chairperson Hon. Frolibar Bautista, Mun. Mayor, na sa kabila ng kakulangan ng pondo, hindi pa rin ito naging hadlang upang maitawid ng lokal na pamahalaan ang programa mula pa sa unang batch ng mga nagtapos hanggang sa pangatlo at sa susunod pa, kung mayroon pa. 

Aniya, ipagpatuloy niya ang pagbibigay ng mga alternatibo upang makapagpatayo pa ng katulad nitong Balay Silangan upang matulungan ang mga drug patients na magkaroon ng bagong buhay at makamit na bayan ang hanagrin nitong maging drug-free municipality.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing kaganapan sina Police Lieutenant Maricel Guevarra na kumakatawan kay Police Lieutenant Colonel Don Dicksie De Dios, Chief of Police; Philippine Drug Enforcement Agency VI Director II Alex M. Tablate; Department of the Interior and Local Government-MLGOO Mr. Mark Delos Reyes; Parole and Probation officer Ms. Edna Jalocon; PESO Department Ms. Jona Solano; at si MHO OIC Dr. Athena Magdamit kasama ang Balay Silangan FC na si Ms. Joan T. Victoriano; at iba pa.

Mula nang magkaroon ng Balay Silangan ang munisipyo noong 2020, hindi na ito tumigil sa operasyon bilang reformation center na may layuning tulungang magbagong buhay ang mga  nalulong sa droga upang maging responsible at progresibong mamamayan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe