Tumaas sa 12 mula sa anim ang bilang ng mga bayan at lungsod sa Cebu ang positibo sa kaso ng African swine fever, ayon sa ulat ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Ang mga lugar kung saan na-detect ang ASF ay kinabibilangan ng Bogo City, Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Talisay City, Cordova, Liloan, Minglanilla, San Fernando, Sibonga, Tuburan at Carcar City.
Ang listahan ay batay sa datos na nakalap mula Marso 6 hanggang 27, 2023.
Unang nakita ang ASF sa Carcar City sa southern Cebu noong Marso 20. Kumalat ang sakit sa Cebu City, Liloan, Sibonga, Tuburan, at Bogo City.
Ang ilang mga bayan ay na-tag bilang “buffer” o pink zone dahil ang mga ito ay katabi ng mga lugar kung saan natukoy ang ASF ay kinbibilangan ng mga bayan ng Aloguinsan, Argao, Asturias, Balamban, Catmon, Compostela, Consolacion, Dumanjug, Medellin, Naga, Pinamungajan, Ronda, San Remigio, Sogod, Tabogon, Tabuelan, at Toledo City.
Sa ilalim ng yellow o surveillance zone ay ang mga munisipalidad ng Alcantara, Badian, Borbon, Carmen, Daanbantayan, Dalaguete, Moalboal, at Danao City.
Ang mga bayan ng Alegria at Alcoy ay itinuring na “protected zone.”