Friday, November 29, 2024

HomeNews113 Sundalong magigiting ng Visayas, pinarangalan

113 Sundalong magigiting ng Visayas, pinarangalan

Binigyang parangal ang 113 sundalo para sa kanilang pambihirang paggawa sa panahon ng labanan at mga inisyatibong pangkapayapaan, ang mga magigiting na sundalo ay tumanggap ng medalya noong Biyernes.

Ayon kay Lt. Gen. Fernando Reyeg, Commander ng Visayas Command, 28 officers at 85 enlisted personnel ang nabigyan ng Gold Cross Medals, isa ang pinagkalooban na sundalo ay naka confine pa rin sa isang ospital dahil sa natamong sugat habang nakikipaglaban, habang 14 naman ang nabigyan ng Silver Cross Medals para sa kanilang combat at intelligence operation.

Ginawad din ni Lt. Gen. Reyeg ang Gawad sa Kaunlaran Medals sa 93 kawani, kabilang sina Brig. Gen. Efren Morados, Commander ng 803rd Infantry Brigade, at Brig. Gen. Perfecto Peñaredondo, Acting Deputy Commander ng 8th Infantry Division, dahil sa matagumpay nilang Civil Military Peace Building Initiatives.

Anim na iba pang personnel ang tumanggap ng Meritorious Achievement Medal para sa kanilang mahalagang mga pagsisikap sa pagpapabuti ng kakayahan at pagiging handa ng Combat Support at Combat Service Support unit’s ng Joint Task Force Storm.

“The soldiers, hailing from various units within Viscom, have demonstrated outstanding bravery and professionalism in the face of adversity, distinguishing themselves through their combat feats and their tireless efforts to foster peace and stability within our local communities,” saad ng magiting na Heneral Reyeg sa isang pahayag.

Sinabi niya na ang mga parangal ay nagpapakita ng matibay na paninindigan ng Viscom sa kahalagahan ng pagkilala hindi lamang sa mga militar na tagumpay kundi pati na rin sa mahalagang papel na ginagampanan ng Sandatahang Lakas sa Visayas sa pagtataguyod ng kapayapaan at pagkakaisa sa iba’t ibang populasyon.

Hinimok ng punong tagapagpaganap ng Viscom ang mga sundalo na panatilihin ang momentum at magtulungan sa mga tagumpay sa kanilang kampanya laban sa rebelyon.

“Every action contributes to our overarching goal of peace and stability in the entire Visayas region. As such, I urge you to remain steadfast in your commitment, and let us press on our unwavering resolve in ending the local communist armed conflict,” sabi niya.

Sa kabuuan, ang mga parangal na ito ay nagpapakita ng matibay na suporta ng Viscom sa mga layunin na magtaguyod ng kapayapaan, kaunlaran, at pagkakaisa sa bansa tungo sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe