Friday, November 15, 2024

HomeNews109-anyos na lola, tumanggap ng Php50K Centenarian Assistance mula sa Pamahalaan ng...

109-anyos na lola, tumanggap ng Php50K Centenarian Assistance mula sa Pamahalaan ng Eastern Samar

Nakatanggap ng Php50,000 centenarian incentive ang isang 109-anyos na lola na residente ng Brgy. Pagnamitan, Guiuan, Eastern Samar nitong nakaraang Linggo.

Si Lola Marina na pinaniniwalaang pinakamatandang residente ng Eastern Samar ay nagdiwang ng kanyang ika-109 na kaarawan noong Abril 14, 2023.

Personal na nagpadala ng tulong si Governor Ezvardone kay Lola Marina kasama si Vice Gov. Maricar Sison-Goteesan, Board Members Yvet Bandoy-Gaylon, at Mark Pol Gonzales.

Nabigyan rin ng Php50,000 centenarian cash gift si Lolo Faustino Cadlum, isang centenarian na residente ng Sitio Cabadlungan, Brgy. Baras, Guiuan.

Kaparehong halaga ang ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Eastern Samar sa mga Centenarian sa binibigay ng National Government sa pamamagitan ng DSWD.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe