Tuesday, December 24, 2024

HomeJob Openings106 estudyante sa ABE Tacloban, dumalo sa FBSE Training sa Region 8

106 estudyante sa ABE Tacloban, dumalo sa FBSE Training sa Region 8

Tacloban City – Dumalo ang 106 estudyante mula sa ABE Tacloban na nag-aaral ng hospitality at tourism management sa Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) Training na inorganisa ng Department of Tourism (DOT) Region 8 nito lamang ika-4 ng Agosto 2024.

Ang FBSE training ay isa sa maraming serbisyo na inaalok ng DOT sa loob ng dalawang araw na grand Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF). Ang pagsasanay ay ginanap sa Function Hall ng Student Center ng Leyte Normal University.

Mahalaga ang training na ito para sa mga indibidwal na nagnanais magkaroon ng karera sa industriya ng turismo, dahil binibigyan nito ang mga kalahok ng mahahalagang kasanayan at kaalaman upang magtagumpay sa larangan. 

Tinuturuan ang mga kalahok ng wastong pakikisalamuha sa mga turista at mga prinsipyo ng Filipino Brand of Service.

Ang FBSE ay isang programa na naglalayong iangat ang kalidad ng serbisyo sa sektor ng turismo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng 7 Ms Filipino core values: Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, Makabansa, Masayahin, May Bayanihan, at May Pag-asa.

Bukod sa FBSE training, kabilang din sa mga serbisyong inaalok ng DOT-8 sa BPSF ang Tourism Enterprise Accreditation Assistance, Pagproseso ng mga pplikasyon para sa Accreditation, promotion ng Bisita Be My Guest Program, promotion ng DOT Training Programs, at DOT Marketing and Promotions.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe