Thursday, November 7, 2024

HomeUncategorized100K na kabataan, target ng PSA-Negros Oriental para sa National ID Registration

100K na kabataan, target ng PSA-Negros Oriental para sa National ID Registration

Nilalayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Negros Oriental na mairehistro ang humigit-kumulang 100,000 batang may edad 1 hanggang 4 taon para sa naional identification program sa kabila ng mga hamon sa field, ayon sa isang opisyal noong Martes, Oktubre 22, 2024.

Sinabi ni Ariel Fortuito, chief statistical specialist ng PSA-Negros Oriental, na halos 16,000 bata na ang nairehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) mula nang magsimula ang pagpaparehistro para sa pangkat na ito noong Setyembre.

“It is a big challenge to locate these children since they are not yet in school, but we have adopted strategies to fast-track the process,”pahayag ni Fortuito.

Kasama sa mga estratehiyang ito ang pakikipag-ugnayan sa mga daycare center at mga opisyal ng barangay upang maabot ang mga bata at kanilang pamilya.

Dagdag pa ni Fortuito, walang tiyak na petsa para matapos ang pagpaparehistro dahil sa mga karagdagang hamon gaya ng maikling atensyon ng mga bata at kahirapan sa pagkuha ng kanilang biometrics.

Dapat munang nakarehistro ang mga magulang sa PhilSys bago mairehistro ang kanilang mga anak.

Noong Oktubre 19, kabuuang 1,268,269 katao o 88.78 porsyento ng 1.4 milyong populasyon ng Negros Oriental ang nakarehistro sa pambansang ID system.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe