Saturday, October 5, 2024

HomeNews100 anyos na lola sa Gandara Samar, pinagkalooban ng Php100K ng LGU

100 anyos na lola sa Gandara Samar, pinagkalooban ng Php100K ng LGU

Personal na ipinagkaloob ni Gandara Municipal Mayor Warren T. Aguilar ang ‘Centenarian Cash Gift’ na One Hundred Thousand Pesos (P100,000.00) sa pamilya ng isang Lola sa Bayan ng Gandara, Samar nitong Lunes, Abril 3, 2023.

Kinilala ito na si Lola Anaclita Dolloso, residente ng Brgy. Gerali, Gandara, Samar na ganap nang tumuntong sa kanyang ika-100 taon kaarawan nitong nakaraang December 14, 2022.

Tinanggap mismo ng kanyang pamilya ang tseke mula sa Alkalde sa presensya ni Mrs. Rolina O. Fabi mula sa Municipal Social Welfare and Development Office.

Batay sa Republic Act 10868 o ang Centenarians Act of 2016, pinagkakalooban ng liham mula sa pangulo at dagdag na benipisyo at prebilihiyo ang sinumang senior citizen sa pagsapit ng kanilang ika-100 taon kaarawan at ibinibigay ang Php100,000 cash gift.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe