Monday, December 16, 2024

HomeNews1 patay at 3 pa ang nawawala sa nasunog na ferry sa...

1 patay at 3 pa ang nawawala sa nasunog na ferry sa Bohol

Isa ang kumpirmadong namatay at tatlong pasahero pa ang hanggang ngayon ay nawawala matapos masunog ang isang ferry patungong Leyte noong Linggo ng hapon, ika-26 ng Hunyo 2022.

Base sa mga ulat na natanggap ng Philippine Coast Guard-Eastern Visayas na nakabase sa Ormoc City, Leyte, tinatayang nasa 161 pasahero at tripulante ang nakaligtas sa nasunog na MBCA Mama Mary Chloe na hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy ang pinagmulan.

Naganap ang insidente bandang 1:00 ng hapon noong Linggo sa kalagitnaan ng karagatan sa pagitan ng Tugas at Tilmobo Islands sa Bohol, patungo sana ito sa daungan ng Bato, Leyte.

Sa 161 na nakaligtas, 99 ang dinala sa Hilongos Port sa Leyte; 25 naman ang dinala sa Tugas Port sa President Carlos P. Garcia, Bohol; at ang 37 ay dinala sa isang daungan sa Gaus Island sa Bohol.

Ang nasabing ferry ay may 157 pasahero at walong tripulante, di pa nangalahati sa kapasidad ng barko na 236 ka-tao.

Ayon sa tagapagsalita ng PCG, “Agad silang nagsagawa ng rescue operation sa tulong ng mga pasahero at iba pang mga tripulante ng mga motor banca na naglalayag sa dagat sa pagitan ng Bohol at Leyte area.”

Ayon pa sa PCG, karamihan sa mga nakaligtas ay nai-turn over na sa pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Bohol at Leyte. Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation sa tatlo pang mga pasaherong nawawala.

Source: PNA | https://www.pna.gov.ph/articles/1177577

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe