Thursday, July 4, 2024

HomeNews1 Patay, 2 sugatan sa mga kasapi ng PNP sa ambush sa...

1 Patay, 2 sugatan sa mga kasapi ng PNP sa ambush sa Calatrava, Negros Occidental

Dead on the spot ang isang miyembro ng Calatrava Municipal Police Station habang dalawa naman ang sugatan sa pang-aambush ng mga rebeldeng New People’s Army nito lamang umaga ng Agosto 9, 2023 sa Sitio Calanugan, Barangay Minapasok, Calatrava, Negros Occidental.

Ayon sa inisyal na ulat, magreresponde lang sana ang mga kapulisan sa nasabing lugar ngunit mayroon ng nakaharang na landmines sa kalsada na siyang naging hudyat sa naturang ambush.

Agad namang dinala ng mga awtoridad ang mga sugatang miyembro nito sa pinakamalapit na hospital at kasalukuyan nang nagpapagaling.

Samantala mariin namang tinutuligsa ng mga awtoridad ang pang-aambush ng naturang mga rebelde na patuloy na naghahasik ng gulo at krimen sa buong lalawigan ng Negros Occidental at hinimok ang lahat ng mga residente na makipagtulungan sa mga awtoridad sa maaaring kinaroroonan at karagdagang impormasyon sa mga ito

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe