Friday, September 20, 2024

HomeNews1.9K na magulang sa Samar, nakatanggap ng cash incentive sa Tutoring Program...

1.9K na magulang sa Samar, nakatanggap ng cash incentive sa Tutoring Program ng DSWD

Mahigit 1,977 na magulang sa Samar ang nakatanggap ng cash incentive para sa pagdalo sa mga learning sessions na layuning sanayin sila upang matulungan ang kanilang mga anak sa pag-aaral.

Natapos noong Miyerkules ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbabayad sa lahat ng benepisyaryo sa ilalim ng Tara, Basa (magbasa tayo) Tutoring Program sa dalawang lungsod at 19 bayan sa Samar.

Sa ilalim ng cash-for-work component ng programa, bawat magulang ay nakatanggap ng PHP4,700 bilang kapalit ng 20-araw na sesyon ng mga magulang na kanilang dinaluhan mula Hulyo 1-26.

“Sinasanay ng mga learning sessions na ito ang mga magulang at tagapangalaga upang magkaroon sila ng kaalaman at kasanayan upang masuportahan ang edukasyon ng kanilang mga anak at mapabuti ang dinamika ng pamilya,” pahayag ng DSWD regional office nito lamang Miyerkules, Agosto 21, 2024.

Sa Samar, ang tutorial program ay nakapaglingkod din sa 1,981 na mag-aaral at 375 na estudyanteng kolehiyo na nagsagawa ng mga learning sessions para sa mga mag-aaral at magulang.

Bawat estudyanteng kolehiyo na nagsilbing tutor at youth development worker ay nakatanggap ng PHP8,100 na cash incentive upang masuportahan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa paaralan. 

Ito ay bukod pa sa capacity development at service credit na kanilang nakuha mula sa paglahok sa programa.

Ang mga magulang at tagapangalaga ng mga benepisyaryo ng bata ay binibigyan din ng PHP235 kada araw sa ilalim ng cash-for-work scheme ng DSWD.

Ang mga cash reward ay ibinibigay sa mga magulang at tagapangalaga bilang gantimpala sa kanilang pagdalo sa mga sesyon at pagtulong sa kanilang mga anak sa paghahanda ng kanilang mga pangangailangan para sa pag-aaral at pagbabasa at sa kanilang mga gawain pagkatapos ng pagbabasa.

Panulat ni Cami   

Source: PNA

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe