Monday, December 16, 2024

HomePoliticsGovernment Updates1.8K PWDs makakatanggap ng educational assistance mula sa Provincial Government ng Antique

1.8K PWDs makakatanggap ng educational assistance mula sa Provincial Government ng Antique

San Jose de Buenavista, Antique – Tinatayang nasa 1,800 na mga Persons with Disabilities o PWD ang makakatanggap ng educational assistance mula sa Provincial Government ng Antique.

Ayon kay Antique Vice Governor Edgar Denorta, na pinagplanuhan na nila ang pagbabahagi ng educational aid na Php5,000.00 para sa mga PWDs na mag-eenroll sa kolehiyo habang Php6,000.00 naman sa mga graduate students ngayong School Year 2022-2023.

Dagdag pa niya na maunang mabigyan ang nasa 100 na PWDs sa bawat munisipyo ng probinsya sa paparating na School Year 2022-2023. Ang probinsya ng Antique ay binubuo ng 18 munisipyo.

Ang naturang pamamahagi ay alinsunod sa selebrasyon ng 44th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week na nagsimula nitong Hulyo 18 hanggang Hulyo 23.

“I will lobby that the PWDs will be given allocation on the educational assistance so that they could also have opportunity to avail of the support,” saad ni Vice Governor Edgar Denorta.

Nagbaba rin siya ng kautusan sa mga tauhan ng Antique Provincial Disability Affairs Office (PDAO), sa ilalim ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), na magkaroon ng survey sa lahat ng PWDs na mag-aaral sa college upang mabigyang prayoridad.

Ayon naman kay Irish Manlapaz, pinuno ng Antique Provincial Youth Development Office (PYDO), mayroon ng 48 PWDs na naka-avail sa Php5,000.00 assistance bawat semester nang nakaraang taon. Ang nasabing mga PWDs ay nag-apply bilang indigent college students kung saan naka-allocate ang naturang assistance.

“This coming school year there will really be an allocation for PWDs,” dagdag pa niya na dapat walang failing grades ang bawat estudyante. Ang PYDO ay mayroong Php120-million na budget para sa educational assistance ngayong school year.

Ang mga PWDs ay kailangan ding magpasa ng kanilang aplikasyon para sa educational assistance sa “PYDO-on-Wheels” o mobile processing ng aplikasyon na gagawin sa kani-kanilang bayan. Ngunit, kailangan muna nilang magkaroon ng PWD identification card na binibigay sa Municipal Social Welfare and Development Officer ng bawat bayan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe