Patuloy ang pangangampanya ng Philippine Health Insurance Corporation sa Western Visayas Region (PhilHealth-6) sa lahat ng mga miyembro nito na magrehistro at mag-avail sa Konsultasyong Sulit at Tama (KonSulTa) package para sa expanded primary care benefits ng pamahalaan.
Layunin ng “Konsulta package na mas mapadali ang disease detection upang mas maagapan ang mga ito ng maaga.
Ayon kay Janimhe C. Jalbuna, Head, PhilHealth-6 Public Affairs Unit, naniniwala sila na sa pamamagitan ng naturang programa, positibo silang mas mapalawak pa ng pamahalaan ang kamalayan ng bawat miyembro sa kani-kanilang mga kalusugan lalo na sa may dati ng mga karamdaman.
Nito amang Abril ngayong taon, tinatayang nasa 1,446,795 na mga miyembro na mula sa kabuuang 2,409,911 na target ng rehiyon na magparehistro sa programa.
Ngunit nasa 33,035 lamang ang natapos na sa kanilang first patient encounter (FPE) o ang nag-avail sa kanilang first consultation sa mga accredited health providers.
Sinabi rin ni Jalbuna na patuloy nilang pinapaliwanag sa lahat ng mga pasyente na huwag ng maghintay na lumala ang kanilang mga karamdaman bagkus naising maagapan agad.
Kasama sa outpatient package ang libreng konsultasyon, 13 laboratory examination, at iba pang mga gamot kasama ang mga prescription, para sa mga miyembro at kanilang mga dependents.