Sumuko ang 19 NPA combatant na pawang mga miyembro ng CPP-NPA Terrorist (CNTs) sa 94th Infantry Battalion ng 303rd Infantry Brigade sa ilalim ng 3rd Infantry (Spearhead) Division, Philippine Army sa Headquarters, 94th IB, Brgy Tambo, Ayungon, Negros Oriental noong Hulyo 02, 2022 (Sabado).
Kasalukuyang ng nasa kustodiya ng 94th IB ang mga sumukong Communist NPA Terrorists (CNTs) โ (Pansamantalang itinago ang kanilang tunay na pagkakakilanlan para sa kanilang kaligtasan) dahil sasailalim sila sa assessment at debriefing para opisyal na sumailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan sa pamamagitan ng DILG at Prov’l Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng Negros Oriental.
Ayon sa kanila, sawang-sawa na sila sa mga maling pangako ng mga pinuno ng NPA at nagpasya silang umalis sa armadong pakikibaka dahil sa panloob na tunggalian, kawalan ng suportang medikal at problema sa pamumuno ng kanilang mga opisyal sa loob ng armadong pakikibaka. Higit sa lahat, nais din nilang sumailalim sa Enhanced Local Integration Program (E-CLIP) na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Local Task Force-ELCAC.